Karen, kinilala ang dalawang magkaibigang magkasosyo sa negosyo
Paano nga ba kumita ng extrang pera ngayong ber months?
Napapagastos ang maraming Pinoy tuwing ber months para ipagdiwang ang Pasko, pero pwede ring gamitin ang pagkakataon upang mag-negosyo na tatalakayin ni Migs Bustos sa “My Puhunan: Kaya Mo!” ngayong Sabado (Setyembre 23).
Ibibida ni Chef RV Manabat, isang sikat na chef sa Binan, Laguna ang popular nilang bibingka na isa sa mga pagkaing Pinoy na present lagi sa mga handaan tuwing Pasko. Ipapakita ni Chef RV kay Migs kung paano nila ginagawa ang bestseller na bibingka at ibabahagi rin niya kung paano ito pwedeng pagkakitaan ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Samantala, ipapakita naman ni Karen Davila kung paano nagtagumpay ang dalawang magkaibigan na nagsanib-pwersa sa negosyo upang makapagpatayo ng isang bahay arugaan para sa mga bata.
Kwento nina Elisa at Marvis kay Karen, plano ni Elisa na magtayo ng bahay arugaan at para maisakatuparan ito, tumulong sa kanya ang kaibigang si Marvis na naisip ang palaisdaan bilang negosyo dahil sa background niya sa aquaculture.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.