Muling kinilala ng Institute of Corporate Directors
Muling kinilala ng Institute of Corporate Directors (ICD) ang ABS-CBN para sa maayos na pagpapatakbo nito sa kumpanya matapos gawaran ng ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Award noong Huwebes (Setyembre 28).
Ito ang pang-apat na beses na pinarangalan ang ABS-CBN para sa magandang pamamalakad nito at pagsunod sa mga regulasyon ng gobyerno batay sa 2022 ACGS and Corporate Governance Scorecard (CGS) assessment results. Kabilang ang ABS-CBN sa listahan ng mga Philippine publicly listed company at insurance companies na binigyang parangal ng ICD.
Si ABS-CBN treasurer and head of Investor Relations Vincent Paul Piedadang tumanggap ng award ng ABS-CBN sa Golden Arrow Recognition ng ICD na ginanap sa Okada Manila.
Ayon sa ICD, layunin ng ACGS na itaas ang corporate governance standards at practices sa Pilipinas upang mas gumanda pa ang pamamalakad ng mga publicly listed companies para mas maraming investors ang ma-enganyong pumasok sa bansa. May 184 na tanong ang scorecard na batay sa available na public disclosures ng isang kumpanya sa website nito. Ang Golden Arrow ay ginagawad sa mga kumpanyang nakatanggap ng 80 na puntos sa ACGS Assessment.
Samantala, isang non-stock at not-for-profit na organisasyon ang ICD na hangad ang professionalization ng Philippine corporate directorship.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
IN PHOTO: L-R Vincent Paul Piedad, Treasurer and Head, Investor Relations, Cindy Estojero, Investor Relations Officer, Marvin Payumo, Treasury and Investor Relations Officer