News Releases

English | Tagalog

Karen, bibisita sa viral poultry at crayfish farm ng dating IT at crypto miner sa "My Puhunan"

January 12, 2024 AT 03:42 PM

Karen visits viral poultry and crayfish farm of former IT and crypto miner in "My Puhunan"

Karen Davila goes to Santa Maria, Bulacan to check out a poultry and crayfish farm that is making rounds on social media and to learn more about how a former IT and crypto miner is making money through farming in “My Puhunan” this Saturday (Jan 13).

Dating taga-media na nawalan ng trabaho, tutuklasin ni Migs ang sikreto sa tagumpay ngayon sa negosyong cheese pimiento
 
Pupunta si Karen Davila sa Santa Maria, Bulacan para bisitahin ang isang poultry at crayfish farm na viral ngayon sa social media at para malaman kung paano ito naging kumikitang kabuhayan ng isang dating IT at crypto miner sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Enero 13).
 
Nang humina ang crypto trading ni Joseph, nagdesisyon siyang mag-farming gamit ang bakanteng lote ng pamilya. Ngayon, nakahanap ng kaligayahan at tagumpay si Joseph sa kanyang Sesep’s Farm, kung saan nagbebenta siya ng manok, hito, at lobsters. Maging sa kanyang social media madalas trending ang kanyang “bukid life” updates sa kanyang farm na umaabot ng milyong views.
 
Samantala, kikilalanin naman ni Migs Bustos si Corrs Ebora-Valenton, isang dating media worker na ngayon ay isang business owner dahil sa pagbebenta ng kanyang paboritong cheese pimiento. Ilan sa kanyang customers ay sina Piolo Pascual, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Alex Gonzaga na nagpalakas sa Corrsy’s Kitchen sa social media. Ngayon, may iba’t ibang produkto na rin si Corrs na handog sa publiko tulad ng peach mango, ube, guava, kimchi, gourmet tuyo, suka, bucheron, at iba pa.
 
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE