News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi ng 20 na parangal sa 6th Gawad Lasallianeta

January 31, 2024 AT 08:40 AM

Vice Ganda, umarangkada bilang most awarded Kapamilya personality

 

Nag-uwi ang ABS-CBN ng 20 na parangal, kabilang na ang Most Outstanding Media Company award, dahil sa pagkilala nito ng mga administrator, faculty, staff, estudyante, at magulang ng De La Salle Araneta University (DLSAU) sa 6th Gawad Lasallianeta noong Lunes (Enero 29).

Umarangkada ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda bilang most awarded Kapamilya personality, na umani ng apat na parangal bilang Most Outstanding Social Media Personality, Most Influential Filipino Celebrity, Most Outstanding X Influencer, at Most Outstanding Male Entertainment Show Host.

Tinanghal na Most Outstanding Brand Endorser at Most Outstanding Film Actress naman ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo para sa “A Very Good Girl,” na nakakuha rin ng Most Outstanding Filipino Film.

Nanalo ang multi-awarded actress at show host na si Anne Curtis bilang Most Outstanding Female Entertainment Show Host para sa “It’s Showtime,” na kinilala rin ng DLSAU community bilang Most Outstanding Variety Show, habang wagi naman ang “Magandang Buhay” hosts na sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros bilang Most Outstanding Talk Show Hosts.

Samantala, nanalo si Donny Pangilinan bilang Most Outstanding Actor in a Drama Series para sa “Can’t Buy Me Love,” habang ang nasungkit ng top-rated Kapamilya series na “Dirty Linen” ang Most Outstanding Teleserye award.

Sa kategorya ng news and current affairs, ang nakuha ng “TV Patrol” ang Most Outstanding News Show award, habang ang tinanghal naman ang ABS-CBN journalist at “TV Patrol” anchor na si Karen Davila bilang Most Outstanding Female News Anchor at Most Outstanding Current Affairs Talk Show Host.

Bukod pa rito, nanalo rin si Karen kasama si Migs Bustos bilang Most Outstanding Public Affairs Show Hosts para sa “My Puhunan: Kaya Mo,” na nagwagi rin bilang Most Outstanding Public Affairs Show, habang tinanghal din ang Kapamilya journalist na si Alvin Elchico bilang Most Outstanding Male News Correspondent.

Ginawaran din ang Knowledge Channel Foundation, Inc. ng ABS-CBN ng Zeal for Excellence para sa transformative educational content nito para sa mga batang Pilipino.

Layunin ng Gawad Lasallianeta na parangalan ang mga natatanging media at public communicators sa bansa. Isang university-wide survey kabilang ang DLSAU administrators, staff, faculty members, parents, at students ang kanilang ginawa noong Nobyembre 2022 upang matukoy ang mga winner sa iba’t ibang kategorya. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.