News Releases

English | Tagalog

MMFF Best Actor Cedrick Juan, ilalahad kung paano ipinaglaban ang pag-aartista sa kanyang pamilya sa "Tao Po"

January 04, 2024 AT 04:19 PM

Tampok ang kwento ng pagpupunyagi ng isang police sergeant at abogado
 

Kikilalanin ni Bernadette Sembrano si Cedrick Juan, na nanalo bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa kanyang ganap bilang Padre Burgos sa “Gomburza,” at malalaman kung paano ito ipinaglaban ang kanyang pangarap na maging artista sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya sa “Tao Po” ngayong Linggo (Enero 7). 

Ibabahagi ni Cedrick ang tungkol sa kanyang paglalakbay mula sa teatro at indie films patungo sa pagiging ekstra at lead sa mainstream movies. Ibinahagi rin ng MMFF awardee ang mga plano at hinahangad sa kanyang karera ngayong 2024.

Itatampok naman ng reporter ng ABS-CBN na si Raffy Santos ang police staff sergeant at abogado na si Adrian Ducat, na nakapasa sa Bar exam pagkatapos ng apat na subok. Ibabahagi ni Atty. Adrian ang kanyang kwento ng pag-asa at determinasyon at layunin upang gumawa ng mabuti para sa mundo ngayong isa na siyang ganap na abogado.

Samantala, makikilala ni Kabayan Noli De Castro ang Grade 9 student na si Amelito "Totoy" Funtanilla, na may sakit na cerebral palsy. Ipapakita ni Totoy ang kanyang determinasyon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang karamdaman. Ibinahagi rin ni Totoy ang kanyang pangarap na makilala ang kanyang idolo na si Coco Martin.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kuwento na ito ngayong sa Enero 7 sa "Tao Po" tuwing 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE