News Releases

English | Tagalog

Migs Bustos, bibisitahin ang sikat na food haven sa UP Diliman

February 01, 2024 AT 09:30 PM

Karen, itatampok ang may-ari ng recycled beaded bags na tumutulong sa mga nakakulong sa QC jail
 

Gusto mo bang makatikim ng abot-kayang pagkain sa loob ng University of the Philippines Diliman? Ang dating housing lang para sa empleyado ngayon thriving food haven na para sa mga estudyante! 

Dadalhin ni Migs Bustos ang mga manonood sa kanyang University food trip, tampok ang sari-saring pagkain at meryenda tulad ng lutong bahay, Mexican food, kape, at marami pang iba, sa sikat na J.P. Laurel Street sa UP Diliman sa “My Puhunan: Kaya Mo” ngayong Sabado (Pebrero 3).

Ibabahagi ni Nanay Erlinda, na nagsimulang magbenta ng mga pagkain noong 1977, kung paano niya sinimulan ang kanyang food stall at kung paano ito umunlad sa paglipas ng mga taon, na umaakit sa mga estudyante, varsity athletes, at mga namamasyal.

Samantala, itinatampok ni Karen Davila si Pam Mejia, ang lumikha ng PAMME, na gumagawa ng mga kakaibang beaded bag mula sa mga recycled plastic na basura na hindi aakalaing mapapakinabangan pa gaya ng takip ng softdrinks. Matapos manalo sa isang internasyonal na kumpetisyon, inilunsad ang kanyang mga likha sa ArteFino, isang prestihiyosong taunang artisan fair, kung saan naibenta ito lahat sa loob lamang ng apat na araw.

Alamin kung paano tinutulungan ni Pam ang mga babaeng nakakulong sa Quezon City Jail na baguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano gawin ang mga beaded bag na pagkakakitaan nila para sa kanilang sarili.

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.