Karen, makikipaglaro sa mga cute na binebentang tuta ngayong Sabado
Makikisaya si Migs Bustos kasama ang TV at stand-up comedian na si Negi sa pagmamay-ari nitong Negi’s Bar and Grill sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Feb 17).
Nagsimula ang karera ni Negi bilang isang komedyante na gumagawa ng gay lip-sync sa mga maliliit na bar. Matapos makilala ni Vice Ganda, pumasok na siya sa ilang Kapamilya TV shows pelikula tulad ng “Gandang Gabi Vice,” “I Can See Your Voice,” at “Super Parental Guardians.” Ngayon, kung ano ang kanyang pinagsimulan, ‘yun din ang itinayo niyang business na pagkakakitaan at nakakatulong pa sa mga tulad niyang stand-up comedian.
Samantala, makikila ni Karen Davila ang mag-asawang Anna at Cedric Pasco, na nagmamay-ari ng Mini Pet Philippines, isang franchise ng pet shop na nagmula pa sa South Korea.
Binuksan noong 2021 sa kasagsagan ng pandemya, nakatuon ang Mini Pet Philippines rehoming ng iba't ibang breed ng aso, na ang ilan ay nagkakahalaga ng P40,000, at nagbebenta din ng mga pet supplies. Kaya kung gusto mo rin ng ganitong negosyo, alamin kung paano nila ito matagumpay na napalago.
Abangan ang mga kuwento ng determinasyon at tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.