News Releases

English | Tagalog

Karen at Migs, makikisaya sa Binondo ngayong Chinese New Year sa "My Puhunan"

February 08, 2024 AT 11:58 AM

Migs, titikim ng pritong palaka ngayong sabado
 

Kung Hei Fat Choi, mga Kapuhunan!

Itatampok ni Karen Davila at Migs Bustos ang pagsisimula ng negosyo ng ilang Chinese na Pinoy at heart sa Binondo, ang oldest Chinatown sa buong mundo, sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Pebrero 10).

Kikilalanin ni Karen si Roche Chua, ang may-ari ng sikat na tikoy at hopia store na Eng Bee Tin. Ibabahagi ni Roche kung paano nag-trending ang kanilang restaurant na The Great Buddha Café, tampok ang authentic Chinese soup, noodles at dumpling. Aalamin rin ni Karen kung bakit sa fire volunteers napupunta ang kinikita ng Cafe Mezzanine na isa pa sa mga negosyo ng mga Chua.

Bibisitahin naman ni Migs ang Toho Panciteria Antigua, ang sinasabing pinakamatandang restaurant sa Pilipinas, na nananatiling “open for business” sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nito. Titikman din niya ang iba’t ibang Chinese turo-turo at ang espesyal na piniritong palaka na popular sa Estero sa Binondo. 

Abangan ang Chinese New Year Special sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.