Migs, kikilalanin ang dating guro na ngayon ay isang matagumpay na gadget seller
Gusto mo bang subukan ang masasarap na meat-free ulam ngayong Lenten season?
Subukan ang soy-based dishes tulad ng sisig, tocino, at adobo na gawa ng isang vegetarian na itatampok ni Karen Davila sa "My Puhunan" ngayong Sabado (Marso 2).
Sinimulan ni Camille Acosta ang kanyang negosyong The Good Choices dahil sa kanyang relihiyon na Hare Krishna kung saan hindi sila maaaring kumain ng anumang uri ng karne. Nang magkaroon siya ng sariling pamilya, nahirapan siyang na makahanap ng pagkain para sa mga anak lalo na ang mga pagkaing pang-almusal. Kaya naman ay naisipan niyang gumawa ng mga ulam gamit ang soybean.
Napalago ni Camille ang kanyang negosyo hanggang sa magkaroon ng malaking pagawaan. Noong pandemya, inilipat niya ang pagawaan sa bahay at ibenenta ang mga produkto online at sa mga bazaar.
Samantala, makakausap ni Migs ang kilala ngayon pagdating sa bagsak-presyong gadgets na si All About Dioza, isang dating public school teacher sa loob ng mahigit isang dekada mula sa Taytay, Rizal. Sumugal si Jonalyn Obordo na pagsabayin ang pagiging guro at pagbebenta ng mga gadget gaya ng cellphone, laptop, tablet at iba pa sa online.
Noong nakaraang taon, nagdesisyon si Jonalyn na iwanan ang pagiging guro at nagpatuloy sa pagiging live seller. Sa ngayon, mayroon na rin siyang physical store sa Taytay, Rizal na dinadagsa ng mga tao.
Abangan ang mga kuwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.