News Releases

English | Tagalog

Love story nina Yael at Karylle pati ang buhay ng ex-celebrity giant na si Raul Dillo, tampok sa 'Tao Po'

April 03, 2024 AT 04:45 PM

'Tao Po' features the love story of Yael and Karylle, inspiring journey of ex-celebrity giant Raul Dillo

More stories full of love, hope, and happiness await as "Tao Po" features the romantic story of star couple Yael Yuzon and Karylle, plus the inspiring journey of ex-celebrity giant Raul Dillo, among others

Bibisitahin din ni Kabayan ang wonder PWD toddler ng Batangas City

Mga istoryang puno ng pag-ibig, inspirasyon, at kasiyahan ang matutunghayan sa "Tao Po," tampok ang love story ng showbiz couple na sina Yael at Karylle, pati ang kinagisnang buhay ng ex-celebrity giant na si Raul Dillo, at iba pa ngayong Linggo (Abril 7).

Kiligin sa kwento ng pag-iibigan nina OPM vocalist Yael Yuzon at "It's Showtime" host Karylle, kung saan kukumustahin ni Bernadette Sembrano ang kanilang buhay mag-asawa kasabay sa pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary. Maliban sa kanilang renewal of vows, ibabahagi rin nina Yael at Karylle ang kanilang dedikasyon sa sining at musika.

Samantala, bibisitahin naman ng Kapamilya journalist na si Karen de Guzman ang dating basketbolista at artista na si Raul Dillo, na kinilala bilang 'Pinoy Frankenstein' ng Philippine showbiz. Ibabahagi ni Raul ang kanyang personal na buhay pagkatapos ng kasikatan sa showbiz at ang mga pinagdaanang pagsubok sa pamilya at kanyang kalusugan.

Ibibida naman ni Kabayan Noli de Castro ang four-year-old PWD toddler na si Dwyne Wade Dota ng Batangas City. Ipinanganak siyang walang mga kamay at tatlo lamang ang daliri sa kaliwang paa pero marami siyang kayang gawin gaya ng pagtulong sa mga gawaing-bahay, pagsusukli sa mga bumibili sa kanilang munting tindahan, at magkipaglaro sa mga kaibigan na parang walang kapansanan.

Abangan ang mga kwentong ito sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. May livestreaming din ito sa official ABS-CBN News YouTube at Facebook accounts, pati sa news.abs-cbn.com/live.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom