News Releases

English | Tagalog

Migs, bibisitahin ang isang trending crispy pata house sa "My Puhunan"

May 31, 2024 AT 12:56 PM

Migs visits trending crispy pata house in "My Puhunan"

Migs Bustos goes on another food trip as he samples crispy pata of a trending restaurant on social media called KK Crispy Pata House in “My Puhunan” this Saturday (June 1).

Karen, itatampok ang kwento ng isang dating basurero
 

Isang nakakabusog na food trip ang hatid ni Migs Bustos dahil titikman niya ang crispy pata ng isang trending restaurant sa social media na KK Crispy Pata House sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Hunyo 1).

Habang sinusubukan ni Migs ang paboritong putok batok na ulam ng mga Pinoy kasama ang may-ari ng KK Crispy Pata House na si Paolo Antonio, malalaman niya kung ano ang naging inspirasyon ni Paolo para simulan ang kanyang restaurant.

Itatampok din si Migs ang iba pang kilalang produkto ng KK Crispy Pata House tulad ng crispy ulo ng baboy na binabalik-balikan ng mga parokyano.

Samantala, ipapakilala naman ni Karen Davila si Elena Plaza, isang matagumpay na may-ari ng junk shop. Dating basurero si Elena, ngunit dahil sa kanyang pagsusumikap at determinasyon, nakapagtayo siya ng sariling negosyo sa tulong na rin ng USAID na nagbigay sa kanya ng P70,000 na puhunan upang mabili ang rights sa puwesto ng itinayong junk shop.

Kilalanin sina Paolo at Elena sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama si Karen Davila at Migs Bustos na ipinapalabas tuwing Sabado ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.