News Releases

English | Tagalog

Kuya, pinarusahan ang Housemates sa kanilang kabi-kabilang violations sa 'PBB Gen 11'

August 21, 2024 AT 03:18 PM

Seven 'PBB Gen 11' Housemates face eviction for most violations

As punishment for these offenses, Kuya tasked all the Housemates to carry a giant rulebook around the house

Nahaharap sa eviction ngayong linggo sina Fyang, Rain, Kai, Kolette, Dingdong/Patrick, at Dylan

Mas umigting ang tensyon sa "Pinoy Big Brother Gen 11" matapos turuan ni Kuya ng leksyon ang natitirang Housemates sa dami ng kanilang violations sa loob ng kanyang pamamahay—na nagresulta rin sa automatic nomination nina Fyang, Rain, Kai, Kolette, Dingdong/Patrick, at Dylan.

Matapos ang double eviction nina Brx at Noimie, nawindang muli ang Housemates nang mapagsabihan sila ni Kuya na lahat sila ay nakagawa ng samu't saring violations—mula sa hindi paggamit ng lapel, pagbulong at paggamit ng sign language, pagtulog nang wala sa tamang oras, paninira ng gamit, pakikipag-usap sa mga guest patungkol sa outside world, at iba pa.

Dahil sa hindi pagsunod sa kanyang patakaran, pinarusahan ni Kuya ang lahat ng Housemates nang pagbuhatin sila ng higanteng rule book at hindi nila ito maaaring ibaba hanggang walang pahintulot niya.

Dinagdagan pa ni Kuya ang kanilang parusa nang mapagdesisyunan din niya na ang Housemates na may pinakamaraming violation ay mapapatawan ng automatic nomination ngayong linggo.

Sa tally ng violations, lamang sina Fyang at Rain with 16 violations, Kai at Kolette na may 14, Dingdong/Patrick with 13 violations, pati Dylan na mayroong 11.

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.

Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.