Patuloy na tinututukan ng madla ang teleserye ng totoong buhay matapos makapagtala ang "Pinoy Big Brother Gen 11" ng all-time online viewership record sa Kapamilya Online Live with 437,909 peak concurrent views sa YouTube nitong Sabado (Setyembre 14).
Matapos ang record-breaking episode, kung saan natunghayan din ang pagbabalik ni Dylan sa outside world, patuloy namang humakot ang PBB Gen 11 ng matataas na live views nang makapagtala ito ng mahigit 220,000 average peak concurrent views sa YouTube magmula nitong Linggo.
Samantala, nagsimula na ring makipag-ayos sina Jas at Fyang matapos ang kanilang sagutan sa naging rap battle nila sa kasagsagan ng teens vs. adults task. Habang gumagaan ang loob nila sa isa’t isa, sinorpresa naman ni Kuya sina Jas at Fyang nang bisitahin sila ng kanilang mga ina na tutulong din sa kanilang paghilom.
Inatasan din ni Kuya sina Jas at Fyang na pangunahan ang kanilang weekly task sa pagbubuo ng tulay, na magiging hudyat sa reunion ng teen at adult Housemates.
Nanganganib naman sina Jas, JM, at Kolette na mapalabas ng bahay ni Kuya matapos mabigo sa kanilang ligtask challenge na resulta sa kanilang pagkatalo ng adults sa nagdaang weekly task.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.