News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel Foundation, pinarangalan ng DepEd, NTMCC

April 02, 2025 AT 11:12 AM

DepEd, NTMCC honor Knowledge Channel for supporting educators

Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) was honored by the Department of Education (DepEd) and the National Teachers’ Month Coordinating Council (NTMCC) for its significant contributions to the celebration of National Teachers’ Month (NTM) 2024 during the 44th NTMCC in March.

Bumida ang mga programa ng KCFI para sa National Teachers’ Month

Pinarangalan ng Department of Education (DepEd) at National Teachers’ Month Coordinating Council (NTMCC) ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa mahahalagang kontribusyon nito sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month (NTM) 2024 sa idinaos na 44th NTMCC meeting nitong Marso.

Kinilala ng DepEd at NTMCC ang mga programa ng KCFI tulad ng training program para sa mga guro na Knowledge Channel Portable Media Library (KCPML) na inilunsad sa Leyte, Bukidnon, Ifugao, at Bataan at ang Knowledge Channel TV (KCTV) training na inilunsad sa Philippine School for the Deaf, Pasay City.

Binigyang-pugay din ang bagong educational shows ng KCFI na tugma sa curriculum ng DepEd, na layong matulungan ang mga guro at kabataan sa pamamagitan ng mga makabagong paraan ng pagtuturo at pagkukwento, sa pangunguna ni KCFI president and executive director Rina Lopez.

Samantala, halos 16,000 na guro, child development workers, at magulang ang lumahok sa online conferences ng KCFI noong 2024, na tumalakay sa mga usapin ng pagpapabuti ng kasanayan sa pagtuturo ng pagbasa at mathematics, pati na rin sa pagpapalaganap ng mga pamamaraan sa ECD para sa mga batang may edad 0 to 8.

Ayon kay KCFI Vice President Edric Calma, pangunahing misyon ng KCFI sa loob ng 25 taon ang makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan sa buong bansa.

Aniya, “We are honored to be recognized for our efforts during National Teachers' Month and remain committed to supporting the professional growth and development of teachers across the Philippines.”

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE