Abangan ang iba pang pasabog performances ng semifinalists
Inanunsyo bilang unang dalawang grand finalists ang magician na si Ody Sto. Domingo at dance group na Femme MNL sa world class talent search ng ABS-CBN na “Pilipinas Got Talent” Season 7 noong Linggo (Mayo 25).
Pinabilib ni Ody ang mga hurado at online voters sa kanyang detalyadong magic act tungkol sa “future,” dahilan upang manguna siya sa online voting (49.14%) at awtomatikong umabante sa grand finals.
Samantala, ang all-gay dance group na Femme MNL, na itinampok ang “Rampa” ni Vice Ganda sa kanilang high-energy routine, ay pumangalawa sa online voting na may 16.14%.
Umabante nga ang Femme MNL sa grand finals dahil sa “PGT” judges Freddie M. Garcia, Kathryn Bernardo, at Donny Pangilinan na pinili ang grupo kaysa sa Fuego Eterno, na pumangatlo naman sa online voting na may 11.67%.
Ipinahayag ng mga hurado na nahirapan silang magdesisyon sa pagitan ng dalawang dance group.
“Ito ‘yung kinakatakot ko, ‘yung dalawang dance group na hindi ko makalimutan ang mga performance, papapiliin ako sainyong dalawa. Sobrang hirap. Pero hindi naman dito nagtatapos ang journey. Maraming salamat sa effort at sa oras na binigay niyo sa “PGT,” sabi ni Kathryn.
Magpapatuloy ang semifinals round sa mga susunod na linggo kung saan magpapasiklaban ang talentadong semifinalists para sa inaasam-asam na pwesto sa grand finals at tsansang manalo ng P2 milyon.
Abangan ang iba pang nakakamanghang semifinals performance sa “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.
Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.