ABS-CBN won major international and local honors at the 2025 Asia Pacific Broadcasting Awards, Leyte Normal University’s PAGDASIG 2025: Communication Students’ Choice Awards, and the 14th Northwest Samar State University (NwSSU) Students’ Choice Awards for Radio and Television.
"Beyond the Exchange" ni Rico Hizon kinilala sa Asia Pacific
Panalo ng major awards ang ABS-CBN sa ginanap na 2025 Asia Pacific Broadcasting Awards, Leyte Normal University’s PAGDASIG 2025: Communication Students’ Choice Awards, at sa 14th Northwest Samar State University (NwSSU) Students’ Choice Awards for Radio and Television.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nanalo ng international na parangal ang “Beyond the Exchange” ni Rico Hizon at naiuwi nito ang Current Affairs-Philippines sa Asia Pacific Broadcasting Awards 2025.
Ang Asia-Pacific Broadcasting Awards (APB Awards) ay kumikilala sa mga mahuhusay na broadcasting at innovative projects sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.
Wagi rin ang ABS-CBN ng Best TV Station at kinilala rin ang veteran broadcast journalists na sina Kabayan Noli De Castro at Karen Davila bilang Best Radio News Anchor (Male) at Best TV News Anchor (Female), habang pinarangalan naman si ABS-CBN chief of reporters Jeff Canoy bilang Best TV Reporter (Male) sa PAGDASIG 2025: Communication Students' Choice Awards ng Leyte Normal University.
Ang PAGDASIG ay isang award-giving body ng Leyte Normal University, katuwang ang Asian Development Foundation College at ang University of the Philippines Tacloban College, na nagbibigay parangal sa mga huwarang personalidad, programa, at organisasyon sa industriya ng media.
Nanalo rin sa 14th Northwest Samar State University (NwSSU) Students’ Choice Awards for Radio and Television si Kabayan bilang Best News and Public Affairs News Male Anchor para sa kanyang husay sa "TV Patrol," habang pinarangalan din si Karen ng Best Television Business Oriented Program Host para sa “My Puhunan” na nasungkit din ang Best Television Business Oriented Program.
Ang NwSSU Students' Choice Awards for Radio and Television ay binibigyang pagkilala ang mga huwaran sa media industry—base sa resulta ng university-wide survey.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.