The Philippines’ hottest hit makers and music video creators will be honed by the country’s number one music channel MYX in the 13th MYX Music Awards, now made even bigger with the MYX Squadfest, happening for the first time at the Araneta Coliseum on May 15 (Tuesday).
Mga sumisikat na performers, bibida sa MYX Squadfest
Isang malaking pagsasama ng mga hitmakers sa larangan ng musika ang mapapanood sa pinakahihintay na MYX Music Awards, na mas pinalaki pa kasama ang MYX Squadfest, at magaganap sa kauna-unahang pagkakataon sa Araneta Coliseum ngayong Mayo 15 (Martes).
Pangungunahan ng hosts mula sa MYX Squad na sina Ai dela Cruz, Robi Domingo, Donny, Sunny, Sharlene San Pedro, Turs Daza, at Inigo Pascual, tampok dito ang ilang OPM icons at breakouts acts tulad nina Angeline Quinto, Elmo Magalona, Erik Santos, Ex Battalion, Gloc-9, Janella Salvador, Karylle, Kiana Valenciano, Klarisse de Guzman, Kyla, KZ Tandingan, Morissette, Shanti Dope, Yael Yuzon, Yeng Constantino, Ylona Garcia, at iba pang sorpresang bisita.
Magsisimula ang kasiyahan sa kauna-unahang MYX Squadfest, isang concert tampok ang pinakabagong artists ng henerasyon. Kasama rito ang mga rising performers na sina Claudia Barretto, Fern, Hashtags, Isabela Vinzon, Jeremy glinoga, Kisses Delavin, Kyle Echarri, Maris Racal, Maymay Entrata, Tala, Tony Labrusca, at ang BoybandPH.
Sa kabuuan, 17 MYX Music Awards ang ibibigay sa iba’t ibang kategorya. Bahagi rin dito ang MYX Magna Award na igagawad sa isang industry icon na malaki ang kontribusyon sa OPM. Noong nakaraang taon, ang producer na si Vic del Rosario ang nakatanggap ng special recognition na ito. Sina Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Lea Salonga ang ilan lamang sa kinilalang MYX Magna awardees noong mga nakaraang taon.
Ngayon 2018, nangunguna sina James Reid, Jona, at Sarah Geronimo sa kompetisyon sa kanilang pagiging nominado para sa limang kategorya, kasama na ang Song of the Year category.
Humahabol din sina KZ, Moira dela Torre, at ang Artist of Year noong nakaraang taon na si Darren Espanto, na may apat na nominasyon.
Maaari pang bumoto ang mga fans para sa kanilang mga idolo sa myxph.com/myxmusicawards hanggang Mayo 8, 11:59pm. Mapipili ang MYX Music Award winners mula sa pinagsamang 60% fan votes at 40% artist votes.
Panoorin ang #MYXMusicAwards2018 nang live sa Araneta Coliseum ngayong Mayo 15 (Martes). Sa halagang P1,275 (VIP), P1,060 (Patron A), P850 (Patron B), P530 (Box), at P160 (Gen Ad), mabibili ang tickets sa lahat ng TicketNet outlets at sa www.ticketnet.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com