News Releases

English | Tagalog

Angelica at Zanjoe, bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang pag-ibig sa "PlayHouse"

September 18, 2018 AT 11:18 PM

Panibagong feel good drama ang siguradong maghahatid ng saya at kilig sa bawat pamilya tuwing umaga sa pag-uumpisa ng “PlayHouse,” ang seryeng magbibigay ng pangalawang pagkakataon simula ngayong Lunes (Setyembre 17) sa ABS-CBN.

Iikot ang “PlayHouse” sa temang “love is a choice” --- kagustuhan ng isang taong manatili sa relasyon, ngunit pwede rin itong magbago. Ilalahad ito ng mga karakter nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na sina Patty at Marlon --- dalawang magkasintahan na kalaunan ay nauwi sa kasalan ang relasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, agad ding naputol ang inaakala nilang walang hanggang pagmamahalan.

Sa muli nilang pagkikita, ipipilit ni Patty na mag-file ng annulment para pormal nang makipaghiwalay kay Marlon. Ngunit sa pagkakataong akala nila tapos na ang lahat, isang trahedya ang babago sa kanilang buhay.

Maaaksidente ang kaibigan nilang sina Emily at Brad at maiiwang ulila ang anak nilang si Robin (Justin James Quilantang). Dahil dito, tatayong legal guardian ng bata sina Patty at Marlon, at mapipilitang magsama sa iisang bahay upang masigurong maayos ang kalagayan ni Robin. Hindi naman sasayangin ni Marlon ang pagkakataong ito at ipaglalaban pa rin ang pagmamahal sa asawa upang mapigilan ang annulment na ipinipilit ni Patty
.
Si Robin na nga ba ang susi sa muling pagbabalikan nina Patty at Marlon at mabuo ang pamilyang minsan nilang inasam?
Bukod naman sa sayang hatid ng pagsasama nina Angelica at Zanjoe, magdadala rin ng matinding kilig ang bagong tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan. Mapapanood sila bilang Shiela at Zeke, dalawang hindi magkasundong mga tao, na kalaunan naman ay mahuhulog sa isa’t-isa.
Kasama rin sa “PlayHouse” sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.

Panoorin ang “PlayHouse” simula ngayong Lunes (Setyembre 17) sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.