News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nais ibida ang mga dokumentaryong gawa ng estudyante

September 27, 2019 AT 06:00 PM

ABS-CBN, in search for student docus to be shown on TV and online

College student filmmakers who are hungry for the chance to showcase their storytelling and visual skills to a wider audience can now submit their works to “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition.”

Ipapalabas sa “Class Project” ng Knowledge Channel…

 
Muling may pagkakataong mapansin ang husay sa pagku-kwento at pagkuha ng bidyo ang mga mag-aaral sa kolehiyo dahil pwede na nilang ipasa ang kanilang mga gawang dokyumentaryo sa “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition.”

Tulad sa nakaraang dalawang taon, nagsanib-pwersa ang ABS-CBN, Knowledge Channel, at Philippine Association for Communication Educators (PACE) para sa “Class Project,” na naghihikayat sa mga estudyanteng gumawa ng mga dokyu na nagpapakita sa totoong buhay ng mga Pilipino. Layon din ng kompetisyon na maipalabas sa mga plataporma ng ABS-CBN ang mga gawang dokyumentaryo ng mga estudyante.

Bukod dito, tatanggap din ang top three entries ng cash prizes at tropeo.

Maaaring sumali sa contest ang mga estudyante sa mga kolehiyo o unibersidad na kasapi ng Philippine Association for Communication Educators (PACE). Kailangang ang video nila ay naglalahad ng mga magagandang asal na itinataguyod ng Knowledge Channel tulad ng katarungan sa lipunan, serbisyo, integridad, at nasyonalismo at may habang 12 hanggang 15 minuto. Huling araw ng pagsusumite ng entry sa Nobyembre 29, 2019.

Maaaring makita ang buong mechanics sa www.pinoymediacongress.com at Pinoy Media Congress facebook page (https://www.facebook.com/abscbnpmc/). Pwede ring magpadala ng mga katanungan sa classproject@knowledgechannel.org.

Noong 2018, umere ang itinanghal na top three entries sa Knowledge Channel, ANC, at malapit na rin itong ipalabas sa ABS-CBN. Napunta ang first prize sa “Pasan” ng University of the Philippines-Diliman, second prize sa “Silang Walang Daan” ng Lyceum of the Philippines-University-Laguna, at “Labay Ku” ng Far Eastern University. Mapapanood ang lahat ng ito, maging ang pito pang ibang finalists online, sa iWant.

Paparangalan ang winners sa “Pinoy Media Congress Year 14” sa 2020, na isa ring proyekto ng ABS-CBN at PACE.

I-follow ang ABS-CBN PR sa Instagram, Facebook, at Twitter o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom para sa updates.