News Releases

English | Tagalog

Iza, luhaan sa pagbabalik ni Jodi sa Ceñidoza's pearls

October 30, 2020 AT 03:32 PM

Luhaan at talunan si Ellice (Iza Calzado) sa away na kanyang sinimulan nitong Huwebes, (Oktubre 29) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” nang tuluyan nang nawalan ng tiwala ang board of directors ng Cenidoza’s Pearls sa kanyang kakayanang patakbuhin ang kumpanya sa gitna ng malaking kontrobersiya at ibalik si Marissa (Jodi Sta Maria) bilang presidente.

 

“Don’t rest on your laurels. Dahil hindi permanente ang pagbabalik mo dito. I will do everything in my power para paalisin ka ulit,” pananakot ni Ellice kay Marissa nang muling magkita ang dalawa.

 

“Bring it on, Ellice. Siguraduhin mo lang na hindi mo kakainin lahat ng sinabi mo,” matapang na sagot ni Marissa.

 

Lalo pang nalugmok si Ellice nang nakipag-ayos si Marissa sa environmental groups na nagprotesta at kumwestiyon sa pamamalakad ng kumpanya. 

 

May pag-asa pa kayang makabawi si Ellice? Sa napipintong pagdating ng isang lalaki sa nakaraan ni Ellice, lalabas kaya ang kanyang sikretong tinatago?

 

Huwag kalimutang sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa  bagong episodes nito gabi-gabi.

 

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

 

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

 

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com.  Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.