Warm up your Christmas by listening to Lian Kyla’s “Sana Ngayong Pasko,” dropping on various digital music streaming platforms this Friday (November 13).
Lian Kyla, may hiling ngayong Pasko…
May hatid na bagong rendisyon ang singer-songwriter na si Lian Kyla sa paboritong holiday ballad na "Sana Ngayong Pasko," na mapapakinggan na ngayong Biyernes (Nobyembre 13).
"Sana ma-touch ang puso ng mga tao sa bersyon ko ng kanta kasi lumaki rin ako na pinapakinggan 'to," kwento ng Star Music artist.
Ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bersyon ni Lian bilang bahagi ng kanyang 7-track “Lian Kyla Christmas” EP noong 2019. Nakatakdang ilunsad ito ngayong taon kasabay ng pagsisimula ng selebrasyon ng Pasko.
Isang OPM classic ang "Sana Ngayong Pasko" na kinompose ni Jimmy Borja at unang inilabas ni Ariel Rivera noong 2000. Tinatalakay ng kanta ang kagustuhan na makasama ang isang ispesyal na tao sa panahon ng Kapaskuhan, at nabigyan na rin ito ng iba't ibang interpretasyon ng mga sikat na Pilipinong mang-aawit gaya nina Sarah Geronimo, Erik Santos, at Lea Salonga.
Pasiglahin ang iyong Pasko at pakinggan ang “Sana Ngayong Pasko” ni Lian Kyla sa iba't ibang digital music streaming platforms simula ngayong Biyernes (Nobyembre 13). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).