News Releases

English | Tagalog

Janella, Kz, Leila at ibang Pinay singers, may hatid na inspirasyon sa kanilang musika

March 19, 2020 AT 03:30 PM

Janella, KZ, Leila and more Pinay artists send out comfort thru music

Check out Star Music’s “Filipina Anthem” playlist on Spotify or visit ABS-CBN Star Music and Tarsier Records’ YouTube channels to listen to these songs. 

Tampok ang 7 awiting may hatid na lakas at pag-asa

Isa sa mga pwedeng makatulong magpakalma sa lahat ang pakikinig ng mga kanta mula sa Pinay singers na layuning palakasin ang loob ng mga nawawalan na ng pag-asa.

Kasabay ng selebrasyon ng National Women's Month, narito ang ilan sa mga pinakamagagandang musika mula sa mga babaeng artist ng ABS-CBN Music na pwedeng mapakinggan ng mga stay-at-home.

Una na diyan ang debut release ni Yeliee na "Wave," na malapit sa puso niya hindi lang dahil sa kahulugan ng alon sa buhay niya bilang surfer, kundi pati na rin dahil tumatalakay ang kanta sa pakikipaglaban niya sa depresyon.

Sabi ng 22-year-old artist, ang "Wave" ay isang metaphor kung paanong palaging makakabangon ang mga tao mula sa mga pagsubok sa buhay. Gaya na lang kapag na-wipe out habang nagsu-surfing, kailangan lang ulit sumubok para makasakay ulit sa bagong alon.

Kanta naman para sa pagmamahal sa sarili ang "Ako Muna" ni Yeng Constantino na mula sa album niyang "Synesthesia," na sinasabing importanteng unahin ang sarili bago buksan ang puso sa pag-ibig.

Tinatalakay din sa kanta na mahirap man ang mabuhay nang mag-isa pansamantala, mas mabuti na ito para mas maging buo ang isang tao kapag pumasok na sa isang relasyon.

Pwede ring pakinggan ang feel-good song mula kay Bianza Yuzon o YUZON sa ilalim ng Tarsier Records na "Elixir," na nagpapaalala sa mga makikinig kung paano nakakatulong ang pagmamahal para mapabuti ang isang tao. Sinasabi sa kanta kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin pabalik, at paanong ang simpleng presensya ng isang tao ay pwedeng magsilbing isang gamot, o kakaibang Elixir.

Hatid naman ni Leila Alcasid ang kantang “Better Weather” mula rin sa Tarsier Records na maaaring magsilbing affirmation para sa mga nakakaranas ng hirap.

Samantala, handog ni Janella Salvador sa kanyang naging comeback single noong nakaraang taon, ang “Take It Easy,” ang isang empowering song para maghatid ng mensahe na huwag magpadala sa pressure mula sa ibang tao. Ang modernong awitin ay may hatid ding mensahe na maging totoo sa sarili at sundin ang puso.

Siyempre, pampatibay din ng loob ang kantang "Raise Your Flag" ni KZ Tandingan at Kritiko, na inspired mula sa sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Hangad ng kanta na ma-inspire ang mga gusto nang sumuko na lumaban lang dahil walang imposible sa pagsisikap. Para rin ito sa mga taong pinanghihinaan na ng loob dahil pakiramdam nila ay hindi sila napapansin, napag-iwanan na, o hindi naa-appreciate.

Isang anthem naman para sa self-worth ang awiting “No Hearts” ng songwriting duo na Gibbs na binubuo ng magkapatid na Chi at Gabs Gibbs. Dala ng awitin ang pagkatuto sa panloloko ng isang tao tungo sa desisyon na mag move-on na at kalimutan ang pag-ibig.

Pakinggan ang “Filipina Anthem” playlist ng Star Music sa Spotify kung saan kabilang ang mga kantang ito, o bisitahin ang YouTube channel ng ABS-CBN Star Music at Tarsier Records. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.