News Releases

English | Tagalog

Kim, pinakabagong host ng "It's Showtime"

September 30, 2020 AT 11:25 AM

"It's Showtime" welcomes Kim Chiu as its newest host

Number one trending on Twitter Philippines

Makakasama na sa kulitan at saya tuwing tanghali si Kim Chiu matapos siyang opisyal na ipakilala bilang ang pinakabagong host ng “It’s Showtime” ngayong Lunes (Setyembre 28).

Emosyonal na nagpasalamat ang tinaguriang Chinita Princess para sa tiwalang ibinigay sa kanya ng “Showtime” family lalo na’t ilang beses na rin siyang naging guest host nito.

“Thank you na pinayagan niyo ako na tumuntong dito and makasama kayo. Masaya ako na araw-araw tayong tatawa kasama ang madlang people. Maraming salamat. Kapamilya Forever tayo,” aniya.

Maraming fans naman ang natuwa sa balita at sinalubong si Kim sa social media dahil ito ang naging numero unong trending topic sa Twitter Philippines ang hashtag na #ShowtimeCHINITAnghali.

“Ang sweet ng pa-welcome ng Showtime family, nakakatuwa! Congratulations, Kimmy cutie! Sobrang nakakagood vibes ito. Iba samahan nila nakakatuwa isipin na part na nito si Kimmy,” sabi ni Twitter user @pearlagua_.

Sabi naman ni @nizzieh01, “‘Yung feeling na dati guest host ka lang pero now officially part ka na as main host ng Showtime. We’re so happy for you Kim!” 

Nakisali rin sa online saya si @anneyeonng1 na nagsabing, “Bagay na bagay si Kim Chiu sa It’s Showtime lalo na yung tawa nya!!! Pampa-good vibes talaga.”

Isang opening song and dance number ang inihanda ni Kim para sa madlang people at inilunsad din ang bagong segment na “Name It To Win It” kasama ang hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Mapapanood ang “It’s Showtime” tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa Jeepney TV at sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa). 

Panoorin din ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel  (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) ng ABS-CBN Entertainment o sa iWant TFC app o iwanttfc.com.

Para sa updates, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like  ang facebook.com/ItsShowtimeNa