News Releases

English | Tagalog

Kanta ni Zephanie na "Sabihin Mo Na Lang Kasi," bumida sa iba't ibang playlists

September 30, 2020 AT 11:38 AM

Zephanie scores spots in multiple playlists with "Sabihin Mo Na Lang Kasi"

Zephanie also teased upcoming projects that she will be busy with for the remaining months of 2020,

Na-feature sa “OPM Rising,” “Tatak Pinoy,” at “Pinoy Love Ballad” ng Spotify PH

Nakasungkit ng pwesto si Zephanie sa mga editorial playlist ng Spotify Philippines para sa single niyang "Sabihin Mo Na Lang Kasi," kung saan ibinibida ang mga papausbong at nangungunang OPM songs.

"Medyo kabado ako kung magugustuhan ba ito ng mga tao kasi kakaiba siya sa mga dati kong single. Pero nung naka-receive saka nakabasa na ako ng comments tungkol sa kanta ko, na-relieve ako na nagustuhan nila," aniya.

Pasok sa "OPM Rising" at “Pinoy Love Ballad” editorial playlist ng Spotify Philippines ang kanta, na nagpo-promote ng mga bagong awitin ng OPM artists at nagbibida ng mga 'light at sugary' na kantang OPM.

Napasama rin ito sa "Tatak Pinoy" editorial playlist, kung saan itinatampok naman ang mga nangungunang OPM sa ngayon.

'Di kagaya ng ibang kantang inilabas ng "Idol PH" winner ang “Sabihin Mo Na Lang Kasi” dahil tinatalakay nito hindi ang tamis ng pag-ibig, kundi ang pagtatapos nito. Matapang din ang pag-atake ng awitin sa nalalapit na breakup, dahil mismong ang singer ang nag-uudyok sa partner niya na maging matapat sa tunay niyang nararamdaman.

Nauna nang kinanta ni Zephanie ang theme song ng pelikula ng Star Cinema na “James and Pat and Dave” gamit ang bersyon niya ng kanta ni Gloc-9 na “Simpleng Tao,” na sinundan ang ikatlong kanta niyang “Pangako Ko.”

Samantala, ibinahagi rin ni Zephanie ang mga bago niyang proyekto para sa mga nalalabing buwan ng 2020, kabilang na ang posibilidad ng pagre-release ng iba pang OPM revivals dahil sa tagumpay ng mga cover niya sa YouTube.

"Bago po ako magkaroon ng original songs, nagco-cover na ako sa YouTube at sa tingin ko, amazing na pwedeng maka-discover o mapakinggan ang mga nagshe-share ng sarili nilang version or style ng kanta," paliwanag niya. "Gusto ko pong i-try 'yung best ko na maging isa sa mga artist na bumubuhay sa OPM."

Panoorin ang performance video ni Zephanie ng “Sabihin Mo Na Lang Kasi” sa Star Music YouTube channel at pakinggan ito sa iba't ibang digital streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE