News Releases

English | Tagalog

Miss Universe Philippines 2021 napapanood na sa YouTube ng ABS-CBN

October 01, 2021 AT 04:40 PM

Mapapanood na ng mga Pilipino ang boung journey ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez simula ngayong araw (Okt. 1) sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV sa paghahatid ng ABS-CBN ng mga kaganapan mula preliminaries hanggang coronation night.

 

Sariwain ang naging winning performance ni Bea sa coronation night simula sa Linggo (Okt. 3), 6 PM at ang kanyang naging sagot sa final Q & A na nagpapanalo sa kanya ng korona. Dito tinanong siya kung paano siya magpapatuloy magbigay ng inspirasyon sa mga tao bilang Miss Universe Philippines 2021 kung sakaling dumaan siya sa panahon ng kalungkutan.

 

Sagot niya, "It is very evident that all of us went through difficulties during this pandemic, but it is also proof that we are able to rise to the occasion, and if anything happened to me during my reign, I will not give up and inspire others by rising to the problems that I am encountering and by inspiring them that what you are going through, you will be able to overcome it."

 

Tulad niya, lumutang din ang ganda at talino ng mga kapwa niya finalist na sina Miss Universe Philippines Tourism 2021 Katrina Dimaranan ng Taguig, Miss Universe Philippines Charity 2021 Victoria Velasquez Vincent ng Cavite, first runner-up Maureen Christa Wroblewitz ng Pangasinan, at second runner-up Steffi Rose Aberasturi ng Cebusa kanilang mga sagot.

 

Mapapanood rin sa coronation nightang final walk at mga sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang pagpasa ng korona kay Bea at ang performances nina Sam Concepcion, Michael Pangilinan, at BINI. 

 

Samantala, mapapanood rin ng fans ang pagsagot ng 28 kandidata sa preliminary Q & A simula ngayong araw (Okt. 1). Huwag din palampasin kung paano sila rumampa sa Clark International Airport suot ang kanilang naggagandahang swimwear at gowns sa Swimsuit at Evening Gown competitions na mapapanood na rin simula bukas (Okt. 2).

Nakipagsanib-pwersa ang ABS-CBN sa Empire Philippines para makapagbigay ng magandang digital viewing experience sa mga Pilipino sa pagpapalabas online ng Miss Universe Philippines ngayong taon.

 

Saksihan ang lahat na nangyari sa kakatapos lamang na Miss Universe Philippines 2021 via streaming at video-on-demand simula ngayong araw (Oktubre 1) kasama ang inyong pamilya sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV.