News Releases

English | Tagalog

“FPJ’s Ang Probinsyano's" season 2, ipapalabas na sa Vietnam

October 15, 2021 AT 01:55 PM

“FPJ’s Ang Probinsyano's" second season airs in Vietnam

Vietnamese viewers will be able to catch more of Cardo’s (Coco Martin) adventures thrice a week.

Patuloy na sinusundan ang pakikipagsapalaran ni Cardo (Coco Martin) sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa labas ng bansa dahil ipapalabas na ang ikalawang season nito sa Vietnam ngayong linggo.
 
Mapapanood na ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kwento ni Cardo simula ngayong Oktubre 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.
 
Sa nakalipas na anim na taon ng serye, dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa. Bukod sa Vietnam, napapanood din ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.
 
Sa pagpapatuloy naman ng kwento ng kasalukuyang season nito, nagkakagulo na ang mga kaaway ni Cardo dahil nagsisimula nang planuhin ni Arturo (Tirso Cruz) kung paano niya maiisahan ang boss niyang si Lily (Lorna Tolentino) at ang makapangyarihang si Renato (John Arcilla). Problemado si Lily dahil ayaw siyang tulungan ni Arturo pagkatapos mahuli ang kasosyo niyang si Lito (Richard Gutierrez) ng grupong Black Ops na pinamumunuan ni Albert (Geoff Eigenmann).
 
Malaking problema rin ang hinaharap ni Renato dahil bukod sa pagkakapaslang ng malapit niyang tauhan, nabuntis din ng impostor na presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) ang sekretarya nito. Sa oras na malaman ng publiko ito, magiging malaking iskandalo ang balita na maaaring makasira sa pagkakandidato ni Renato sa paparating na halalan.
 
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.