News Releases

English | Tagalog

Bigating concerts at movies nina Sarah, Ogie, Ez Mil, Coco at Angelica handog ng KTX.PH ngayong 2021

March 09, 2021 AT 02:21 PM

Punong-puno ng bigating online events ang parating sa KTX.PH sa concerts at movie premieres nina Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Ian Veneracion, Ez Mil, Coco Martin, Angelica Panganiban, at marami pang iba.   

 

Una sa listahan ang pinaka-aabangan na digital concert ni Sarah na “Tala: The Film Concert” ngayong Marso 27. Kahit sold out na ang premium tickets, available pa rin ang regular tickets ng P1,500.  

 

Isa pang dapat panoorin ang collaboration ng OPM royalty and singer-songwriter na si Ogie Alcasid at ni Ian Veneracion na ""Virtually Yours, KilaboTitos" sa darating na Marso 26.  

   

Samantala, magkakaroon din ng virtual concert sa Abril 18 ang viral US-based Filipino rapper EZ Mil na kamakailan ay nagkaroon ng global television debut ng kanyang single na "Panalo," sa "ASAP." 

  

Nakahilera na rin ang ang premiere ng "Love or Money" nina Coco at Angelica nayong Marso 12. Pakaabanagan naman ang "Dito At Doon" nina Janine Gutierrez at JC Santos at ang comedy films na "Ayuda Babes" at "Soul Sistahs."  

  

Isang reunion vitual show naman ang handog '90s OPM band na Neocolours sa KTX ngayong taon. Kailangan din abangan ang iba pang special shows tulad ng "Himig Handog 11th Edition," at "Euphoria Reunion   

  

Sa loob ng walong buwan lang, inikilala na ang KTX.PH bilang nangungunang digital events portal sa bansa dahil na rin sa pagpapalabas nito ng pinakamalalaking virtual events.  

Ilan sa successful shows at concerts na ipinalabas nito ay ang record-breaking concert ni Daniel Padilla na "Apollo," ang kakatapos lang na concert ng  Asia’s Songbird Regine Velasquez na Freedom," fan conference ng Thai Superstars na sina Bright and Win na “Brightwin Manila Live,” debut launch ng up-and coming P-Pop group na BGYO at marami pang iba.  

  

Hindi lang sila sa concerts nagsold-out, naging daan din sila ng premiere ng Star Cinema at Black Sheep movies pati na ang ilang 2020 MMFF favorites.   

  

Naging live streaming partner din ang KTX.PH ng South Korea’s The Fact Music Awards 2020 at naging host din ng local and international pageants kagaya ng Miss Universe Philippines 2020 at Miss Earth 2020.  

  

Nakahanap naman ng bagong tahanan ang ABS-CBN Film Restoration para ipapanood sa mga batang henerasyo ang restored at remastered version ng  “Radio Romance,” “Tinimbang Ng Langit,” “Soltero,” “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin,” at iba pa.  

  

Bisitahin lamang ang KTX.PH sa mga inaabangan niyong concerts at shows. Sa mga interested na bumili ng tickets, pinadali na nila ang transactions sa maraming payment options --- Credit Cards, e wallets tulad ng GCASH, Grab Pay, online banking, at over-the-counter local at nonlocal banks katulad ng Dragon Pay.