News Releases

English | Tagalog

Piolo at Regine, muling magpapakilig sa premiere ng 'Paano Kita Iibigin' sa Sagip Pelikula Festival

April 21, 2021 AT 12:28 PM

Piolo and Regine's 'Paano Kita Iibigin' featured in Sagip Pelikula Festival

Find out how their love will blossom in the online screening of Star Cinema's box-office movie "Paano Kita Iibigin" this April 27 at 7:30 PM on KTX.ph

Abangan sa Abril 27 sa KTX.PH
 
Ma-in love muli sa tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil ipalalabas ng ABS-CBN Film Restoration ang digitally restored at remastered version ng 2007 romantic-drama hit mula Star Cinema na "Paano Kita Iibigin," simula Abril 27 (Martes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX. 

Ang pelikulang "Paano Kita Iibigin" ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine sa pelikula. Ito ay mula sa kwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.  

Sundan ang kwento ni Regine bilang Martee, isang single mother na natanggal sa trabaho at pinalayas sa kanyang munting tahanan habang nakikipag-sapalaran buhayin ang nag-iisa at sakiting anak.

Napagdesisyunan niyang magbakasyon muna sila sa Zambales sa paluging resort na pagmamay-ari ni Lance (Piolo), isang negosyanteng lubhang naapektuhan matapos ang isang malagim na aksidente. 

Nabuklod sila sa isa't isa nang maging manager sa resort si Martee. Madalas man mag-away ang dalawa, 'di magtatagal ay uusbong ang matamis na pag-iibigan nila dahil handang tulungan ni Martee si Lance na makabangon mula sa kanyang nakaraan. 

Alamin kung magtatagal ba ang kanilang pagmamahalan sa online screening ng box-office hit mula Star Cinema na "Paano Kita Iibigin" ngayong Abril 27, 7:30 ng gabi sa KTX.ph. Mabibili na ang tickets nito sa http://bit.ly/PaanoKitaIibiginOnKTX sa halagang P150. 

Magkakaroon din ito ng pre-show kasama sina Piolo, Regine, Eugene Domingo, at manunulat nitong si John Paul Abellera. Kamakailan din ay nag-trending sa Twitter ang remastered na pelikula bago pa ang mismong showing nito. 

Maliban sa "Paano Kita Iibigin," magpapakilig din ang ilan pang pelikula ni Piolo noon, tulad ng "Kahit Isang Saglit," "Till There Was You," "Milan," at "Don't Give Up on Us" simula Abril 28 (Miyerkules) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.  

Patuloy ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). 

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).