News Releases

English | Tagalog

"Ako Naman Muna" ni Angela Ken, nanguna sa Viral 50 Global at Viral 50 PH charts ng Spotify

April 06, 2021 AT 06:30 PM

Angela Ken's "Ako Naman Muna" tops Spotify's Viral 50 PH, Viral 50 Global charts

Empower yourself by listening to Angela’s “Ako Naman Muna” on various digital music streaming services and by watching its music video, out now on Star Music’s YouTube channel.

Music video ng “Ako Naman Muna” inilabas na!

Pinatunayan ng pinakabagong Star Music artist na si Angela Ken na hindi lang sa TikTok viral ang debut single niyang “Ako Naman Muna” dahil nasungkit din nito ang unang pwesto sa “Viral 50 Global” at “Viral 50 Philippines” playlists ng Spotify at nakasama rin sa Spotify Viral chart sa Canada, Singapore, at UAE.

“Sana’y nagbigay inspirasyon at pag-asa ang kantang 'Ako Naman Muna' sa buhay nila dahil ‘yun ang purpose ko,” mensahe ni Angela na hindi inaasahan ang matagumpay na pagtanggap sa kanyang isinulat na awitin.

Sa unang linggo pa lang pagka-release ng kanta, humakot na agad ang official lyric video visualizer nito ng isang milyong Facebook views, 500,000 YouTube views, at mahigit 200,000 Spotify streams, at na-feature din sa mga Spotify playlist gaya ng “Hot Hits Philippines,” “Trending Tracks,” at “OPM Rising.” Sa Apple Music naman, napasama ito sa “Absolute OPM” playlist.

Tuloy pa rin ang pag-arangkada ng kanta sa ngayon, dahil meron nang 2.5 milyong YouTube views ang official lyric video visualizer nito at mahigit 3 milyong Spotify streams naman ang kanta. Naging cover din si Angela ng Spotify PH editorial playlist na “Tatak Pinoy” at napabilang ang kanta sa isa pang playlist na “Pinoy Indie Mix.”

Samantala, inilabas na ni Angela ang inaabangang official music video ng kanta noong Linggo (April 4) sa Star Music YouTube channel tampok ang isang kaaya-ayang representasyon ng mensahe ng kanta tungkol sa self-love.

Napapakinggan din ito ngayon sa ABS-CBN inspirational series na "Huwag Kang Mangamba" bilang parte ng official soundtrack ng teleserye.

Unang nakilala ang singer-songwriter pagkatapos mag-viral sa TikTok ang unfinished version ng “Ako Naman Muna” noong November 2020. Ito rin ang naging dahilan para madiskubre siya ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Nito lang Marso, opisyal nang pumirma si Angela ng recording deal sa Star Music at management contract sa Star Magic, at ipinakilala rin bilang isa sa mga miyembro ng bagong teen barkada na “Squad+.”

Palakasin ang loob mo at pakinggan ang “Ako Naman Muna” ni Angela Ken sa iba’t ibang digital music streaming platforms at panoorin ang music video nito sa YouTube channel ng Star Music. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).