Isisiwalat na nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) ang pamemeke ng faith healer na si Deborah ng mga ipinagmamalaki nitong himala sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” na napapanood gabi-gabi sa Visayas at Mindanao sa TV5.
Subaybayan ang paghahanap nina Mira at Joy ng katotohanan at i-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.”
Sa mga tumitinding kaganapan sa serye, makakahanap ng ebidensya ang dalawa na magpapatunay na palabas lang at hindi totoo ang pagpapaulan ni Deborah ng mga petal mula sa langit at pagpapagaling ng mga maysakit.
Habang malalantad na ang sikreto ni Deborah sa buong bayan ng Hermoso, patuloy naman nilang itatago ni Agatha (Mercedes Cabral) na magkapatid sina Mira at Joy at iisa lang ang ina ng mga ito.
Malusutuan pa kaya si Deborah ang pagsasapubliko ng mga panloloko niya? Maniwala na kaya ang mga taga-Hermoso sa mga himala nina Mira at Joy, at na nakakausap nila si Bro? Paano malalaman nina Mira at Joy ang totoong ugnayan nila?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa TV5. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5.
Isa ang TV5 sa platforms kung saan nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Pilipino nasaan man sila. Noong Mayo, inilunsad ng ABS-CBN ang "Andito Kami Para Sa' Yo" plug sa social media, isang taon matapos itong mawala sa ere, para ipaalala sa mga Pilipinong andito pa rin ang ABS-CBN para maglingkod at magpalabas ng mga programa sa free TV, cable TV, at online.
Bukod sa TV5, mapapanood ng mga taga-Visayas at Mindanao ang “Huwag Kang Mangamba” at iba pang primetime shows ng ABS-CBN sa cable TV sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV. Kung gustong manood online, pwedeng tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Para makapanood naman ng advanced episodes, pwedeng gamitin ang iWantTFC app at website, pati na ang WeTV at iflix.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.