Show your love back by partying with your Kapamilya idols in this best-of-the-best celebration from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN
Balikan ang star-studded performance nina Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez
Patuloy na ipapadama ng "ASAP Natin 'To" sa mga manonood ang pagmamahal sa pamamagitan ng best-of-the-best performances ngayong Linggo (Hulyo 4) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Kiliging muli sa treats ng paborito ninyong Kapamilya loveteams, tulad nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz, pati nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Paka-abangan ang mga ultimate jamming session at collab nina Moira dela Torre kasama ang new breed of singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz; pure-energy performance nina Gary Valenciano at Iñigo Pascual; astig na collab mula kina Bamboo at Asia's Pop Heartthrob Darren; at ang engrandeng pagsasama nina Broadway sensation Lea Salonga, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, at Asia's Songbird Regine Velasquez kasama ang The Company.
Paiinitin naman nina Maymay Entrata at Kathryn Bernardo ang dancefloor, habang iindak din sina Jhong Hilario kasama ang ASAP dance hotties na sina Enchong Dee, Ronnie Alonte, at Joshua Garcia.
Hindi rin pahuhuli sa biritan ang ASAP new gen divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin, at may sorpresa pa ang alter-ego ni Ogie Alcasid na si Eydie Waw, kasama sina Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez.
Huwag palampasin ang band hits tapatan nina Martin Nievera, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Gary Valenciano sa "The Greatest Showdown."
Ipadama ang inyong pagmamahal ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.