News Releases

English | Tagalog

Unang idol survival search ng bansa, aarangkada na ngayong Nobyembre 19

November 14, 2022 AT 05:01 PM

Nagsanib pwersa ang ilan sa mga hinahangaang pangalan sa showbiz industry ng Pilipinas at Korea para sa kauna-unahang idol survival search sa bansa na "Dream Maker," isang collaboration project ngABS-CBN's Starhunt, Korea's MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc.na magsisimula na sa Nobyembre 19 (Sabado) at 20 (Linggo).

 

Magsisilbing gabay naman sa 62 dream chasers ang Pinoy mentors na sina Queen of Teleserye Themesongs Angeline Quinto, Now United member na si Bailey May at international performer na si Darren Espanto.

 

Sasamahan sila ng bigating Korean mentors na sina Seo Won-jin, Bullseye, MOMOLAND at Lapillus choreographer na si Bae Wan-hee, dating MBLAQ member na si Thunder; Brown Eyed Girls vocalist na si JeA, at choreographer at "Produce 101"dance mentor Bae Yoon-Jung.

 

Inanunsyo noong nakaraang linggo na magsisilbing hosts sa naturang collaboration ang former "PBB" big winner at Multimedia Idol Kim Chiu at Noontime Oppa na si Ryan Bang.

 

Dream come true naman para sa hosts na sina Kim at Ryan na mapili silang makasama sa collaboration project ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea.

 

"Sobra akong nagpapasalamat sa tiwala at opportunity na ibinigay sa akin ng ABS-CBN for me to grow and learn at the same time. Ito na rin yung chance to show my supporters and lahat na kaya kong magtayo ng show na ito," saad ni Kim.

 

Para naman kay Ryan, "Gusto ko lang makatulong sa show. Natutuwa ako. Talagang itong Dream Maker, tama yung pangalan nung show kasi matutupad yung mga pangarap ng Pilipino na gusto nila maging global icon. Hindi ito biro."

 

Tunghayan ang kwento at pagsisikap ng 62 dream chasers na dadaan sa iba't ibang trainings at performances para makamit ang pangarap maging parte ng susunod na global pop group.Samantala, alamin kung ano ang magiging parte ng manonood sa journey ng dream chasers.

 

Kilalanin ang 62 dream chasers sa social media accounts ng Dream Maker sa Facebook, Instagram, Twitter, at Tiktok. Panoorin ang pagsisimula nito sa Nobyembre 19 (Sabado) at 20 (Linggo), 9:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z pati na sa iWantTFC at TFC IPTV.