Iikot sa Luzon, Visayas, at Mindanao
Tuloy ang misyon ng ABS-CBN na maghatid ng kaalaman at inspirasyon sa mga kabataan sa gaganaping Pinoy Media Congress (PMC) Digital Caravan ngayong Marso, na dadaluhan ng mga estudyante mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa kauna-unahang pagkakataon, virtual ang isasagawang PMC na proyektong sinumulan ng ABS-CBN at ng Philippine Association of Communication Educators (PACE) noong 2005 upang tulungang ihanda ang mga estudyante ng komunikasyon sa kanilang papasuking larangan sa midya.
Aarangkada ang Pinoy Media Congress (PMC) Digital Caravan ngayong Sabado (Marso 12) sa Biliran Province State University (BiPSU), sa University of the Philippines Mindanao (UP Mindanao) sa Marso 19, at De La Salle University Dasmariñas sa Marso 26, kung saan makakasama rin sa webinar ang daan-daan pang mga estudyante mula sa ibang unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Kabilang sa mga speaker ng naturang digital caravan ang ABS-CBN journalist na si Jacque Manabat at ABS-CBN head of International Sales and Distribution na si Pia Laurel. Magsasalita rin ang mga dating PMC delegate na ngayon ay tanyag ng mga eksperto sa kanilang larangan tulad nina PACE president Mark Lester Chico, ABS-CBN supervising producer EJ Mallari, at ABS-CBN reporter Raya Capulong.
Ani ABS-CBN head of Integrated Corporate Communications na si Kane Errol Choa, ‘excited’ ang ABS-CBN at PACE na ihandog ang PMC sa kabataan at bigyan sila ng masaya at makabuluhang mga aral na magagamit nila sa paaralan at sa buhay.
Dagdag niya, “ ABS-CBN’s PMC has evolved over the years much as communication technology and Filipino’s media consumption. However, one thing remains constant, ABS-CBN will continue to be in the service of the Filipino students, professors, and universities through the PMC.”
Umaasa naman ang PACE president na si Mark Lester Chico na magiging makabuluhan ang PMC Digital Caravan kaakibat ang ABS-CBN at PACE-member schools.
“We are very happy that this caravan will continue with three of our partner schools from Luzon, Visayas, and Mindanao. On behalf of PACE, ako po ay nagpapasalamat sa inyo at sana ay maging masaya at makabuluhan po ang ating gagawing PMC Caravan,” paliwanag ni Mark.
Magpapasaya rin sa digital caravan ang ilang Kapamilya stars na handog ang kanilang mga mensahe at masasayang kanta at sayaw sa kabataang Pinoy. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.