News Releases

English | Tagalog

Markus Paterson, mas kinilala ang sarili sa bagong single na “Help”

June 03, 2022 AT 11:25 AM

Ipinrodyus ng Indian artist na si Aman Sagar

May paalala na walang masama sa paghingi ng tulong o “Help” ang bagong kanta ni Markus Paterson na ipinrodyus ng Indian songwriter/artist/producer na si Aman Sagar.

Ayon sa Fil-Brit singer-songwriter, pinapakita sa “Help” ang halaga ng pagkilala sa sarili at pang-unawa na hindi ka perpekto. Saad ni Markus, “Tutulong ‘yung kanta na maintindihan ‘yung pain at kung paano mag-cope, ito ‘yung journey sa pagtanggap sa katotohanan na okay lang humingi ng tulong every now and then.”

Maririnig sa bagong Tarsier Records release ang tunog ng early-2000s R&B pati na ang indie vibe at ilang soul elements. Isinulat ni Markus ang kanta katulong si Aman na siya ring producer nito.

Isang fast-rising musician na nagtapos sa Berklee College of Music si Aman na nanalo ulit sa pangalawang pagkakataon noong 2021 sa “Beat Battle” ng kilalang hip-hop producer na si Kenny Beats. Nakasama siya sa proyekto ni Markus sa tulong ng Tarsier Records producer na si Devin Lopez o Subzylla, na nag-reach out sa kanya pagkatapos niyang manalo.

“I sent him some more demos and before you know it, he hooked me up with Markus, who already had a song ready and was looking for someone to produce it,” ani Aman.

“The demo that Markus sent me immediately clicked with me and a lot of ideas just flowed naturally while I was playing with it. Also the song has such an incredibly relatable message that it was really effortless producing it,” dagdag niya.

Bago ang “Help,” inilabas ni Markus ang 2022 single niyang “Hotel Room” kasama sina Kyle Echarri at ang Tarsier Records label head na si Moophs. Noong 2020, inilabas niya ang “B-SIDE” EP niya na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 3 million streams sa Spotify. Bukod sa pagiging musikero, isa ring aktor si Markus na huling napanood sa katatapos lang na ABS-CBN serye na “Viral Scandal.”

Pakinggan ang “Help” single ni Markus at Aman sa iba’t ibang digital music services. Para sa updates, sundan ang Tarsier sa iba’t iba nitong social media accounts, @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE