Aside from the tender love story between Lovi and Janine, the story will also shed light on the social injustices experienced by those who are not able-bodied, heteronormative individuals.
Nanalo ng Audience Award sa LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles
Inaabangan na ng mga manonood ang kakaibang kwento ng dalawang babaeng nagmamahalan sa “Sleep with Me,” ang pinakabagong serye sa iWantTFC na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Janine Gutierrez.
Ito ay matapos ang matagumpay na world premiere ng serye sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles noong Hulyo 19, kung saan nanalo ito ng Audience Award for Best Episodic at sold out din ang tickets para sa premiere na dinaluhan nina Lovi at ang direktor ng serye na si Samantha Lee.
Umiikot ang “Sleep with Me” kay Harry (Janine), isang naka-wheelchair na late-night radio DJ at eksperto sa love advice, at kay Luna (Lovi), isang babaeng may sleep disorder na hindi nakakatulog tuwing gabi.
Bukod sa nakakakilig na relasyon nina Harry at Luna, bibigyang-diin din ng serye ang mga social injustice na nararanasan ng mga taong may kapansanan at ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.
“I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” sabi ni direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang “Baka Bukas” at “Billie and Emma,” sa isang interview noon.
“The story is really something that I don’t think has been shown in the Filipino setting. I’m so excited for people to learn more about this topic and alam kong madaming makaka-relate. And at the core, it’s a love story na talagang you’ll get attached to and it will make you feel things,” dagdag naman ni Janine.
Mapapanood nang libre ang anim na episodes ng “Sleep with Me” sa Agosto 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.