News Releases

English | Tagalog

Isang matinding music fest ang hatid ng Kapamilya stars ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

September 15, 2022 AT 06:56 PM

From rock to ballad to musical, it’s a best-of-the-best music fest this Sunday on ‘ASAP Natin ‘To’

Giving you only the best of the best world-class concert experience from the country's longest-running musical variety show, “ASAP Natin ‘To”

Abangan din ang fresh pasabog ng Star Magic heartthrobs, at collab nina Sam at Yuridope

Isa nanamang world-class concert experience ang hatid ng mga paborito mong Kapamilya stars sa kanilang fresh treats at best-of-the-best world class pasabog ngayong Linggo (Setyembre 18) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z and TV5. 

Abangan ang mainit-init na ASAP performances mula sa Star Magic heartthrobs na sina Elmo Magalona, KD Estrada, CJ Salonga, Marlo Mortel at Paolo Gumabao, at ang swabeng collab nina Sam Concepcion at Yuridope.

Maki-sing along din sa mga paborito mong love hits kasama sina Regine Velasquez at Lovi Poe.

Ituloy lang ang kantahan kasama ang best OPM hitmakers na sina Ogie Alcasid, Gary V., Martin Nievera, Erik Santos, Nyoy Volante, Jason Dy, Kyle Echarri, Jeremy G, at Idolls.

Simulan na ang party at makisayaw kasama ang mga paborito mong Kapamilya ladies na sina Maymay Entrata, Belle Mariano at Andrea Brillantes.

Maki-LSS sa hugot playlist ng ASAP Divas na sina Zsa Zsa Padilla, Nina, Angeline Quinto, Kyla at Moira dela Torre. 

Hindi rin papahuli sa best of the best musical treat ang rock-inspired sing off nina Bamboo at EZ Mil. 

Na susundan ng musical inspired performance ng cast ng iWantTFC’s Lyric and Beat na sina Sheena Belarmino, Jeremy G, Kyle Echarri at Angela Ken. Mas papainitin pa ang Sunday afternoon mo ng show stopping dance performance ng ASAP Dance Royalty na si Kim Chiu kasama sina Andrea Brillantes, G-Force at Team Rapa. 

Isang all out powerhouse performance naman ang hatid ng ASAP Icons kasama ang new Gen Idols na sina Gary V., Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Morissette, Darren, Elha Nympha, Fana, Sheena Belarmino, Reiven Umali, at Sam Mangubat, sa “The Greatest Showdown.”

Ito ang best-of-the-best concert experience na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.