Mga Kapamilya programs at personalidad, kabilang sa mga nanalo
Aprubado pa rin sa mata ng mga taga-akademya ang iba’t ibang mga programa at personalidad ng ABS-CBN matapos itong umani ng labindalawang parangal kabilang na ang Best Media Company sa 20th Gawad Tanglaw.
Iginawad din sa nangungunang content provider ng bansa ang parangal na Gawad Manuel L. Quezon University para sa Sining at Kultura ng Telebisyon.
Maliban dito, big winner ang “The Broken Marriage Vow” na nakuha ang Best Teleserye award at Best TV Actress award para kay Jodi Sta. Maria. Sa kabilang banda, si Piolo Pascual naman ang nagwaging Best TV Actor para sa kanyang pagganap sa “Flower of Evil.”
Panalo namang Best TV Variety Shows ang “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To,” habang ang hosts na sina Anne Curtis at Gary Valenciano ang tumanggap ng Gawad sa Sining at Kultura ng Paglilingkod sa Bayan.
Pinarangalan din si Vice Ganda ng Gawad Dr. Debbie Francisco para sa Sining at Kultura ng Pangmadlang Komunikasyon.
Samantala, nag-uwi rin ng mga parangal ang ABS-CBN News kabilang na ang Best TV Newscast para sa “TV Patrol” at Best TV News Anchor para kay Henry Omaga-Diaz.
Kinilala rin sina Doris Bigornia at Alvin Elchico na Outstanding TeleRadyo Anchors, habang nagwaging Best Lifestyle Program ang “At the Moment (ATM)” ng ANC.
Ang Gawad Tanglaw, o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw, ay binubuo ng mga kritikong pampelikula, iskolar, mga mananalaysay, at iilang miyembro ng akademiya na nagbibigay pagkilala sa mga natatanging programa at personalidad sa midya.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.