The company was cited for being ‘the most salient brand in the Philippines despite the absence of a free TV channel’ in the same category
Ayon sa ulat ng 2024 Kantar BrandZ Most Valuable Philippine Brands
Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa tatlong nangungunang video entertainment brands sa bansa at bukod tanging media company sa Pilipinas na nanalo sa kategorya ng 2024 Kantar BrandZ Most Valuable Philippine Brands awarding ceremony.
Ayon sa Kantar BrandZ report, kinilala ABS-CBN dahil malakas pa rin ang ABS-CBN brand kahit wala na itong free TV channel. Dagdag pa ng Kantar BrandZ, dahil napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN online ay mas naaabot ng mga manonood ang kanilang mga paboritong programa anumang oras gamit ang iba’t ibang devices.
Ang Kantar Brand Z ay isang taunang ulat na kumikilala sa mga tanyag na brands base sa survey.
Ngayong 2024, pinarangalan ng Philippine BrandZ PH report ang most valuable Philippine brands mula sa sektor ng Payment Networks, Dairy, Video Entertainment, at Fast Food. Niraranggo ito gamit ang Demand Power index, isang sukat ng consumer demand para sa isang brand para magpahiwatig ng volume share ng isang brand batay sa pananaw ng mga mamimili.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.