Kumita ng US$200,000 sa unang araw sa North America
Tuloy-tuloy ang pag-arangkada sa takilya ng “My Love Will Make You Disappear ” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Kumita na ito ng P40 milyon sa loob ng apat na araw sa bansa.
Maganda rin ang naging opening day gross ng pelikula sa North American box office na US$200,000, na halos katumbas ng unang araw na kinita ng pelikula sa Pilipinas.
Simula noong Huwebes (Marso 27) ay napapanood na rin ang kauna-unahang KimPau movie sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, at UAE. Palabas na rin ito sa Canada, HongKong, Macau, Guam, Saipan, at Brunei noong Biyernes (Marso 28), at sa Europa noong Sabado (Marso 29).
Nakatakda rin ito mapanood ng mga taga- Italy, Qatar, Saudi Arabia, Bahrain, Oman, at Kuwait ngayong araw at mapapanood rin ito sa Austria sa Abril 5 at Cambodia sa Abril 18.
Nagbukas ang "My Love Will Make You Disappear" sa mahigit 380 na sinehan sa bansa noong Miyerkules (Marso 26) at gumawa rin ng kasaysayan bilang highest first-day grossing local film sa taong 2025 na umabot sa P12 million ang kinita sa unang araw.
Umiikot ang kwento ng pelikula kay Sari (Kim), isang babaeng naniniwala na siya ay may sumpa na biglang nawawala ang mga lalaking minamahal niya. Mag-iiba ang lahat ng makilala niya ang heartbroken na si Jolo (Paulo). Matapos malaman ang tungkol sa sumpa ni Sari, gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang dalaga para matakasan ang problema at tuluyan na siyang mawala.
Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Chad Vidanes. Kasama rin sa pelikula Melai Cantiveros, Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Nico Antonio, Migs Almendras, Martin Escudero, Karina Bautista, Jeremiah Lisbo, Atasha Franco, Kelsey Lasam, at Lucas Andalio.
Huwag palampasin ang love story nina Sari at Jolo sa “My Love Will Make You Disappear” na palabas na sa mahigit 745 na sinehan sa buong mundo. Para sa detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.