News Releases

English | Tagalog

Live semis ng "Pilipinas Got Talent" Season 7, magsisimula na ngayong weekend

May 21, 2025 AT 10:39 AM

Rockstar mula sa Iloilo, nasungkit ang Golden Buzzer ni Donny

 
Painit na ng painit ang labanan sa ika-pitong season ng "Pilipinas Got Talent" ngayong pinangalanan na ang Top 24 semifinalists na magtatagisan sa live semifinals simula ngayong Sabado (Mayo 26) at Linggo (Mayo 27).
 
Mula sa 73 acts na nabigyan ng 'yes' ng judges, 24 acts ang nakalusot papuntang next round, kabilang ang limang Golden Buzzers at 19 na acts na pinili ng judges na sina Freddie "FMG" Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan sa naganap na Judges' Cull noong Linggo (Mayo 18).
 
Noong Sabado (Mayo 17), nakilala na rin ng manonood ang Golden Buzzer ni Donny ngayong season na si Esay Belanio. Napabilib nga ng 19 na taong gulang na rockstar si Donny sa kanyang magaling na pag-angkin ng stage at magandang performance.
 
Makakasama ni Esay sa live semis ang kapwa Golden Buzzers na sina Jasmine Flores, FM Lightrix, JB Bangcaya, at Femme MNL.
 
Ang 19 na acts naman na matutunghayan ng viewers simula ngayong weekend ay sina Brayt Box Duo, Roxbrix, Cardong Trumpo, Chikletz Family, Olayapanit Band, Dwyne Lopena, Fuego Eterno, NDDU Gnrls, Godwin Gonzales, Carl Quion, Ody Sto. Domingo, Jaylo and Faris, The Amazing Duo, The Amazing Twisters, Jessie J, Kinnarda, Manza, Mamhood Sounds, at Owen Bofill.
 
Tutukan ang pasabog na pagtatanghal ng Top 24 semifinalists sa live semis ng “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.
 
Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.
 
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE