News Releases

English | Tagalog

"Incognito" at"It's Okay To Not Be Okay" stars, bibida sa "ASAP"

July 12, 2025 AT 10:42 AM

Tampok sina Richard, Daniel, Anne, Joshua, at marami pang iba



Sumama sa ultimate weekend party sa "ASAP" kasama ang cast ng "Incognito" para sa kanilang finale promo at stars ng "It's Okay To Not Be Okay" para sa kanilang series launch ngayong Linggo (July 13).
 
Huwag palampasin ang eksklusibong "Incognito" finale promo tampok si Yeng Constantino at Marko Rudio na aawit ng "Everlong" ng Foo Fighters. Sasamahan sila ng cast members na sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Richard Gutierrez.
 
Samantala, ma-in-love sa nakakaantig na "It's Okay to Not Be Okay" grand launch performance handog nina Anne Curtis at Joshua Garcia na aawitin ang official theme song ng serye ng "Kathang-Isip.”
 
Saksihan ang nakaka-wow na performances na kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Darren Espanto, Erik Santos, at Yeng Constantino na maghahatid ng high-energy renditions kasama ang G-Force at MNVRS Ignite.
 
Totodo rin ang kantahan dahil may powerhouse collaboration sina Bamboo at Darren Espanto. May fresh performance rin ang BGYО ng kanilang single na "All These Ladies." 
 
Gawing mas masaya ang Linggo kasama si Regine na may special solo concert performance. Sundan ito ng nakakaantig na biritan mula kay Zsa Zsa Padilla kasama sina Jona, Carmelle Collado, Lyka Estrella, at Marielle Montellano.
 
Maki-indak naman sa Dance Sirens na sina Anji Salvacion, Loisa Andalio, kasama ang D' Grind, at sa Supahdancers na sina Maymay, Alexa Ilacad, Jameson Blake, AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, at Jeremy G. kasama ang mga dance group na Fuego Eterno at Ruthless Comrades.
 
Hatid rin ng “ASAP” ang relaxing jamming session kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Yeng Constantino.
 
Makikisaya rin ang hosts na sina Robi Domingo, Edward Barbers, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Darren, at Emilio Daez.
 
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 
 
Para sa updates, sundan ang  @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.