News Releases

English | Tagalog

Klarisee, may pasabog na comeback at showbiz anniversary celebration in "ASAP"

July 05, 2025 AT 02:47 PM

Abangan ang "PGT" grand winner na si Cardong Trumpo at Miss Grand International 2025 CJ Opiaza

 

Makisali sa weekend celebration ng "ASAP" dahil sa pagbabalik ni Klarisse de Guzman kasabay ng pagdiriwang niya ng 12th showbiz anniversary ngayong Linggo (July 6).

Panoorin ang comeback ni Klarisse kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren Espanto, Alexa Ilacad, at Maymay, pati na rin ang G-Force, MNVRS Ignite, at Femme MNL.

Maki-join rin sa kulitan nina Robi Domingo at Donny Pangilinan kasama ang "Pilipinas Got Talent" Grand Winner na si Cardong Trumpo na magpapakitang gilas ng kanyang trumpo tricks. May magic show din kasama si Carl Quion at matutunghayan rin ang Egyptian-themed dance ng Miss Grand International 2025 na si CJ Opiaza kasama sina Anji Salvacion, Loisa Andalio, at D' Grind.

Doble naman ang saya kasama ang “ASAP” family dahil sa pagkapanalo ng “ASAP” bilang Best Variety Program at Popular TV Program sa 28th Golden Dove Awards at 53rd Box Office Entertainment Awards.

Manood naman ng mga performance ng "ASAP" Homegrown Champions na sina Erik, Yeng, at Angeline, at ng special concert ni Darren kasama ang MNVRS Ignite. Kilig naman ang hatid ng Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren Garcia, Kobie Brown, Luke Alford, Anthony Meneses, at Blackburn.

May nostalgic na Pinoy Pride production rin sina Regine at Klarisse. Maki-indak na rin sa Supahdance performance kasama sina AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, Jameson Blake, at Kapamilya reality dance show grand winner na si Ice Almeria. Pasabog naman ang performance ni Maymay kasama ang Axis.

Unli ang kantahan sa “ASAP” kasama sina Gary at Over October sa kanilang collab prod at may Atlantic Starr tribute naman kasama sina Martin, Jona, Khimo, Lyka Estrella, JM dela Cerna, at Marielle Montellano.

Sa finale, handog naman nina Martin, Zsa Zsa, Ogie, Yeng, Erik, Angeline, Gary, at Regine ang mga awitin mula sa winners ng OPM Songwriting Festivals. Kasama rin natin sa kasiyahan ang mga host na sina Robi, Edward, Belle, Alexa, Darren, at Donny.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.