News Releases

English | Tagalog

Tara na sa Jeepney TV "Kumu-nity Bazaar" para masuportahan ang maliliit na negosyo

October 05, 2020 AT 03:06 PM

Kapamilya food sellers, tampok sa unang episode! 

Isang bagong shopping adventure ang magsisimula sa Pinoy live streaming app na Kumu sa pamamagitan ng Jeepney TV “Kumu-nity Bazaar,” isang live shopping experience na magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na bumili sa mga online seller na nagbebenta ng mga produkto nila real time online. 

Magsisimula ngayong Oktubre 6 (Martes) ang programa kung saan nag-aabang ang kakaibang karanasan para sa mga mamimili na pwedeng makipag-usap at bumili diretso mula sa mga online seller na ibibida ang mga produkto nila gamit ang live stream. 

Magandang paraan din ito para suportahan ang mga maliliit na negosyo sa bansa na karamihan ay itinayo dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. 

Para sa unang episode, tampok sa “Kumu-nity Bazaar” ang mga Kapamilya food seller na binubuo ng mga na-retrench na ABS-CBN workers na piniling pumasok sa pagnenegosyo ng mga masasarap na pagkain para matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya pagkatapos nilang mawalan ng trabaho bilang epekto ng pag-deny ng Kongreso sa franchise renewal ng network. 

Sa loob ng dalawang oras, magpapakitang-gilas sila ng mga produkto—mula sa food trays, ready-to-cook meals, at baked goods—sa mga streamer na posible ring maging buyer nila. 

Sa mga susunod na linggo naman, itatampok sa online bazaar ang mga nagtitinda ng mga gamit para sa work-from-home, mga de-kalidad na Pinoy-made beauty products, at mga health at wellness na mga produkto. 

Ang “Kumu-nity Bazaar” ay bagong adisyon sa maraming digital offerings ng FYE Channel ng ABS-CBN sa Kumu na naghahatid ng entertainment, tutorials, makahulugang usapan, mga laro, at iba pa sa mga manonood gamit ang live streaming. 

Tumutok at bumili na sa “Kumu-nity Bazaar” ng Jeepney TV tuwing Martes ng Oktubre simula bukas (Oktubre 6) 8pm, at sa Oktubre 13, 20, at 27, 8:30pm sa FYE Channel sa Kumu! I-download ang Kumu app at sundan ang FYE Channel (@fyechannel) para mapanood ang iba pang mga programa sa FYE Channel.  Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE