News Releases

English | Tagalog

Halaga ng mental health, mas pinag-usapan dahil sa "PBB Kumunity"

November 23, 2021 AT 07:15 PM

Mas naiintindihan ng publiko ang kahalagahan ng mental health sa pagtalakay sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition ng mga pinagdaraanan ng housemates tulad nina Albie Casino, Alexa Ilacad, at KD Estrada. 

 

Sa tulong ng resident psychologist-psychiatrist ng programa na si Dr. Randy Dellosa, mas nauunawaan ng celebrity housemates at ng publiko ang iba’t ibang kondisyon na nakakaapekto sa mental health tulad ng anxiety, ADHD, at body dysmorphia at kung paano ito matutugunan. 

 

Ani Dr. Dellosa, body dysmorphic disorder (BDD) ang initial diagnosis niya sa pagbahagi ni Alexa tungkol sa kanyang matinding insecurity sa kanyang katawan dahil sa mga komento ng mga tao sa kanyang pisikal na anyo. 

 

“Kailangan natin maintindihan, naiiba yung normal insecurities. Sa normal insecurities natin, naba-bother tayo but we can let it go. Whereas sa BDD, dun sila obsessed, dun sila nagpo-focus,” paliwanag ni Dr. Dellosa.  

 

Pag-uunawa naman ang mahalaga, ayon kay Dr. Dellosa, upang makatulong sa mga taong may ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) tulad ni Albie. 

 

“Dapat malawak ang pag-unawa sa taong may ADHD. Kasi kahit i-advise sila, they will forget. Just be patient in reminding the person kung ano ang dapat niyang gawin, If you meet fire with fire, siyempre wala iyong papupuntahan. The best time to talk with that person about ‘yung mga behavior, is kung pag kalmado na siya,” ani Dr. Dellosa.

 

Kailangan din umano ng publiko lawakan ang pag-iisip at magkaroon ng malasakit kapag kausap ang mga taong may anxiety tulad ni KD. Pinuri naman ng netizens sa Twitter ang “PBB Kumunity” dahil sa pagtulong upang mas lumalim pa ang pagtatalakay tungkol sa mental health. 

 

Tweet ni @oohnouella, “This PBB’s season is really doing something to normalize conversations [about] mental health and raise awareness to certain mental health problems. I hope the outside world is learning.” 

 

Samantala, bagong evictee naman ni Kuya ang “Calendar Vixen ng Antipolo” na si Chie Filomeno na nakatanggap ng 11.16% na pinagsamang Kumu at text votes.  Naligtas naman sina KD (17.35%), Benedix Ramos (16.83%), at Eian Rances (12.12%). 

 

Nasa alanganin naman ngayong linggo ang Kapamilya stars na sina Alexa, Anji Salvacion, at Kyle Echarri matapos makakuha ng pinakamaraming boto sa ginanap na nominasyon para sa gagawing ikaapat na eviction night sa Sabado (Nobyembre 27). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366. Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict).  

 

Ngayong linggo, magiging laruan ang celebrity housemates para sa kanilang bagong task. Anong klaseng laruan kaya ang magiging costume ng bawat housemate? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.    

 

Bukas pa rin ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period. 

    

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo.  I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.