TV Ratings

English | Tagalog

ABS-CBN, number one network ng bansa sa pagbubukas ng 2019

February 05, 2019 AT 09:02 AM

ABS-CBN starts 2019 strongly as PH's number one network

ABS-CBN opened 2019 on a high note as viewers nationwide tuned in to its news and entertainment shows, making the network hit an average audience share of 45% in January, or 15 points higher than GMA’s 30%, based on Kantar Media’s data.

The General’s Daughter, “World of Dance Philippines,” pasok agad sa top 10 programs

ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network noong Enero sa pagbubukas ng taon dahil sa makabuluhang balita at mga aral na dala ng mga programa nito, kaya naman nagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 45%, o 15 puntos na lamang kumpara sa 30% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Nanguna ang ABS-CBN partikular na sa Mega Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 37%, laban sa 28% ng GMA. Pumalo naman ang average audience share ng ABS-CBN ng 44% sa Metro Manila, kumpara sa 23% ng GMA. Tinangkilik din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nagkamit ito ng 40%, kumpara sa 32% ng GMA; sa Total Visayas, kung saan nakarehistro ito ng 54% laban sa 25% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nagtala ito ng 55% at tinalo ang 26% ng GMA.

Patuloy din na nanguna ang mga palabas ng Kapamilya network sa top 10 list ng pinakapinanood na mga programa noong nakaraan na buwan, kung saan namamayagpag pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (39.1%).
Kabilang din sa top 10 ang bagong Kapamilya shows tulad ng “The General’s Daughter” (32.8%) ni Angel Locsin at ang “World of Dance Philippines” (30.8%), ang bagong reality talent show na sinundan ng flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” (30.2%). Matagumpay din ang pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman” (28.7%), habang patuloy na tinatangkilik tuwing Sabado ang “Maalaala Mo Kaya” (24.3%). Patok pa rin sa viewers ang “Halik” (23.2), samantalang wagi ang comeback ng “Minute to Win It: Last Man Standing” (22.6%) sa pagpasok nito sa top 10 most watched programs. Kinumpleto ng “Wansapanataym” (22.4%), ang programang laging may mapupulutan ng aral, ang listahan.

Samantala, panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime kung saan 50% ang natamong average audience share ng ABS-CBN, o 21 puntos na lamang kumpara sa  29% ng GMA. Ang primetime block ang pinaka importante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers. 

Matagumpay din ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) na nakarehistro ng average audience share na 37%, kumpara sa 27% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) na may 42%, laban sa 31% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) na may 44%, na tinalo ang 33% ng GMA.